Saturday, June 28, 2014

Paano mapanatili ang kalusugan?



Gusto mo bang maging IMORTAL? Biro lang...

Ipinanganak tayong malusog at masigla, dahil na rin sa kalinga at pagmamahal ng ating mga magulang. Pero habang tumatanda tayo, unti-unti natin itong ipinagwawalang bahala. Habang may pagbabago sa ating katawan at hitsura, sa pamamagitan nag pagdaan natin sa pagkabinata o pagkadalaga ay kapansin pansin talaga ang pagbabago sa ating hitsura - sa panlabas na aspeto

Ngunit hindi talaga natin mapapansin kung anoang pagbabago sa loob mismo ng ating katawan. At hindi natin minsan naisip na ang katawan natin ay "vulnerable" sa anumang bagay sa pamamagitan ng ating kinakain, iniinom at nilalanghap na hangin.

Ang pagiging malusog? mahalaga ba? aba syempre, a big YES! As we live, this is the most important thing na gagawin natin para mapanatili natin ang ating buhay at magawa natin ang nais natin. Kaya, ang kalusugan, hindi dapat bale-walain. 

Mahal natin ang ating sarili, dahil may nagmamahal rin sa atin!

No comments:

Post a Comment