Hi and welcome po sa aking blog!
Ang layunin ng aking blog ay ibahagi sa inyo kung paano alagaan ang ating kalusugan para mapananatili tayong maliksi, malakas, ganado at mapahaba ang ating buhay. Masakit man isipin at banggitin pero, iilan sa atin ay walang pagpapahalaga nito. Kailangan talaga natin ng tamang "mindset" para magawa natin na maging maingat at mapagpahalaga para malayo sa atin ang anumang karamdaman. Ito ang isa sa pinakamahalagang bagay sa ating buhay, kaya huwag nating sayangin ang panahon na taglay natin ang lakas.
Gusto kong i-share sa inyo ang wastong pangangalaga, mga dapat gawin, ano ang dapat iwasan at syempre, ang mga pamamaraan para lalong ma "enhance", mapanatili at higit sa lahat, mai-apply.
Kalusugan ay kayamanan ika nga, kaya huwag itong dapat bale-walain. Kung itoy, mapabayaan ay siguradong iikli ang ating buhay at bankus, makapagdudulot pa ng perwisyo sa ating mga mahal sa buhay, pati na rin sa sarili natin.
Sana may makuha kayong gintong aral sa blog ko at natutu-tutunan ko rin ito sa mga health gurus at mga dalubhasa sa panahon natin ngayon.
Enjoy Life and Happy Reading!
Christian

No comments:
Post a Comment