Nakakatulong ito para lalo pang mapangalagaan ang ating katawan at marami itong pakinabang at benepisyo tulad ng:
- mapaganda ang hugis ng katawan
- kung mataba ka, pwede kang pumayat (sa mga babae, para sumexi!)
- Kung masyado kang payat, lalo pang gumanda ang korte ng katawan mo
- mapabilis ang daloy ng dugo
- mapagalaw at mapadulas ang mga joints
- mailabas ang mga dumi sa katawan
- lalong mapagana ang utak
- ma "stretch" ang ating mga kaugatan
- makatulong sa pagpapayat
- nagpapalakas at nagpapatatag ng puso
- nagpapalakas ng resistensya sa katawan
Maraming paraan para gawin ito. Pwede sa pagtakbo, paglalakad, at akyat, o ang pag-ji-gym. Pwede rin idaan sa martial arts, tae-bo, zumba, at belly dancing. Pwede rin sa ano mang paraan na nais mo. Kung araw-arawin nating gagawin ito, ay tiyak na gaganda ang ating kalusugan at pangangatawan. Iwas sakit pa ika nga.
dapat ring matiyak na sa pag e-ehersisyo, dapat wasto o tama ang kinakain at ini-inom mo. Para sa magandang resulta, kung may bisyo ka man tulad ng paninigarilyo at pag inom ng alak o beer, dapat, moderate lang o kung mas mabuti, paka-iwasan mo talaga.
Tandaan natin, ang kalusugan ay nasa mabuting pangangatawan, dahil dito nakasalalay ang ating mabuting kinabukasan. With the right mindset, you can achieve the best results possible para lalo mo pang ma enhance ang kalusugan mo.

No comments:
Post a Comment